Wednesday, 3 August 2016

5 Paraan Kung Paano Makakabenta ng Produkto na Walang Kahirap Hirap

Gusto mo bang dumami ang mga taong tumatangkilik sa Produkto mo?
Merong 5 paraan na pwede mong gawin upang dumami ang mga parokyano mo at magpabalik balik sila sayo para bumili.
Sa ganitong paraan hindi mo na kailangang ilako pa kung saan saan ang produkto mo kumbaga sa tindahan meron ka nang suki. Yang pagpaparami ng suki ang kailangan mong matutunan kung paano.

1. Gamitin mo ang Produkto mo - Kailangan mo munang gamitin ang iyong produkto upang meron kang maikukuwento sa mga prospect mo kung gaano kaganda ang iyong ino offer sa kanila, dahil kung hindi mo makikilala ang produkto mo paano mo maiaalok yung produkto na hindi mo napatunayan kung gaano kaganda. 

2. Humanap ka ng mga Taong nangangailangan ng Produkto mo - Halimbawa kung ang ibinebenta mo ay Supplement ang hahanapin mong tao ay yung mga may karamdaman. Kung mga damit man yan o Make-up syempre ang hahanapin mong customer yung mga mahihilig gumamit ng mga ganyang produkto. Dahil kung ang aalukan ng mga produkto mo na hindi naman nangangailangan nyan o hindi nila hilig ang mga inaalok mo maliit parin ang tsansaang makabenta ka..

3. Magkwento ka - Dahil sa nagamit mo na at nasubukan ang iyong produkto may confidence ka na na ikwento sa prospect mo kung gaano kagandang gamitin ang produkto mo syempre ma iinspire silang bumili sayo kasi ikaw mismo ay may tiwala sa inaalok mong produkto.

4. Alamin ang Resulta - Kapag na bentahan mo na sila at nagamit na ng customer mo ang produkto i follow up mo sila alamin mo kung ano ang masasabi nila sa produktong binili nila sayo at kung may mga tanong sila sagutin mo ng may paggalang. Ito ay paraan upang maipaabot mo sa kanila na concerned ka sa kanila, na gusto mong nalaman kung nasiyahan ba sila sa produktong binili nila sayo para maging komportable sila sa iyo. At pamamagitan nito kapag naisipan nilang muli na bumili ng produkto mo sayo ulit sila bibili.

5. Ulitin mong lahat ang nakasaad sa taas.

gusto mo bang dumami ang customer mo? alaming kung paano..click here >> sikreto sa pagpaparami ng customer

No comments:

Post a Comment